5 Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikan ng Pilipinas
Ang pag-aaral at pagsubaybay sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga panitikan sa Pilipinas ay nararapat na maging tungkulin ng bawat Pilipino sapagkat:
1. Bilang Pilipino, dapat na magkaroon ng pagmamalasakit sa katutubong panitikan. Tanda ito ng pagkamakabayan ng isang tao. Ang mga Pilipino lamang ang dapat tatangkilik sa ating panitikan ng bansa.
2. Malalaman mula sa panitikan ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip at ang mga henyo ng lahing Pilipino. Nahahayag dito ang ating kultura, sinig, agham at kasaysayan. |
3. Matatalos, na katulad ng ibang lahi, ang Pilipinas au mayroon ding dakila at marangal na trdisyong ginagamit na salalayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasnan.
4. Makikilala ang kagalaingan ng ating panitikan at lalong mapahusay at mapayabong ang kagalingang ito. 5. Matanto ang kapintasan at kahinaan ng ating panitikan at makagawa ng paraan para mapabuti ito. |
5 Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikan ng Pilipinas
Ang mga akdang pampanitikan ay ginagamitan ng dalawang anyong panlahat: Ang prosa at ang tula.
Ang prosa o tuluyan ang malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Halimbawa ng tuluyan ang kuwento, nobela, dula, alamat, pabula, sanaysay, talumapati, talambuhay, kasaysayan at marami pang iba.
Ang akdang patula naman ay binubuo ng mga pahayag na may sukat at tugma. Ang sukat ay ang bilang ng pantig ng mga salita sa isang taludtod o linya ng tula, samantalang ang tugma ay ang pagkakapareho o pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod ng saknong ng tula. Ang mga uri ng tula ay tulang liriko o pandamdamin, ang tulang pasalaysay, tulang pandulaan at ang tulang patnigan. Mga tulang liriko ang oda, elehiya, soneto, himo at mga kanta. Ang tulang pasalaysay naman ay maaaring epiko, awit, korido at balada. Balagtasan dupluhan at karagatan ay mga tulang patnigan naman. Samantala ang moro- moro, senakulo at panuluyan ay nabibilang sa mga tulang pandulaan. Bahagi rin ngayon ng panulaang Pilipino ang mga tulang may malayang taludturan o freeverse.

Sanggunian:
Panganiban, J. Villa et.al. (1987) . “Panitikan ng Pilipinas” Bede’s Publishing House, Inc. Quezon City.
Tumangan,Sr., Alcomtiser P. et.al. (1990).Panitikan ng Pilipinas Para sa Kolehiyo” National Bookstore. Diliman, Quezon City.
*Paunawa: Ang mga impormasyon sa page na ito ay pawang hiram sa sangguniang nabanggit sa itaas, Walang anomang intensyon ang may-akda ng website na ito na lumabag sa mga batas na nauugnay sa karaptang-ari ng librong pinaghanguan ng mga impormasyong inilalahad. Gayundin sa mga larawan.