Ang Panitikang Filipino ay hitik sa ganda at husay. Ito'y bunsod hindi lamang ng husay ng isip ng mga kanunulat subalit bunsod din ng mahabang panahon ng pagpupunyagi sa mga pagsubok na kinaharap ng bansa. Sa bahaging ito, matutuklasan ang kasaysayan ng bansa at kung paano nalinang ang iba't ibang anyo ng panitikan sa bawat panahon. Matutuklasan ang antolohiya ng Panitikang Filipino na nagsimula bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bayan hanggang sa kontemporaryong panahon.
Simulan ang paglalakbay sa panahon sa pamamagitan ng pag-click sa mga link na nasa ibaba: |