Ang website na ito ay produkto ng isang akademikong pag-aaral na pinamagatang "Paggamit ng Information Technology Bilang Behikulo Tungo sa Kaalaman sa Panitkang Filipino". Layon ng pag-aaral na ito ang mapataas ng kaalaman ng bawat indibiduwal hinggil sa Panitikang Filipino. Yamang patuloy na nagbabago ang dagidig at ang kalakaran sa ating buhay, kailangang magamit ang pinakamainam at pinaka-accessible na pamamaraan upang patuloy na mapalaganap at mapreserba ang mayamang panitikan. Sa paraang ito nahuhubog ang hinaharap upang mapanatili at laging mapakinabangan ang Panitikang Filipino maging ng mga susunod na salinlahi.
Ang bawat Pilipino, guro, mag-aaral at lalong higit ang mga kabataang sibol sa kontemporaryong panahon ang pangunahing mga benepisyaryo ng website na ito. Target ng website na ito ang lahat ng may pagpapahalaga sa disiplina ng panitikan at sa panitikang Filipino. Ang bawat isa ay may karapatang matuto tungkol sa mahahalagang impormasyon, salik at kasaysayan ng ating panitkan--- nasa loob o nasa labas man siya ng apat na sulok ng silid-aralan. Sa pagpapataas ng kamalayan, kaalaman at pagpapahalaga sa panitikang Filipino, nadadala natin ang nakaraan sa kasalukuyan at hinaharap; Naitataguyod natin ang matibay na tulay tungo sa pagpapadakila sa inang wika at sa ating panitikan; At sa tuwing ibabahagi natin ito sa iba, patuloy na pumipintig ang pulso ng ating panitikan. Oo, laging napananatili nating buhay ang mga akda, may-akda at panitkan habang patuloy natin itong tinatangkilik. |
Pagkilala, Pasasalamat at Paghahandog:
Lubos ang pasasalamat ng may-akda ng website na ito sa mga sumusunod:
Mananaliksik/Awtor ng Website:
JANOAH JAMES PARINGIT
Lubos ang pasasalamat ng may-akda ng website na ito sa mga sumusunod:
- Sa mga sanguniang pinagbatayan, lalong higit kina Ligaya Tiamson Rubin sampu ng kaniyang mga co-authors sa aklat na "PANITIKAN SA PILIPINAS" na pangunahing batis ng mga impormasyong nakapaloob sa website na ito.
- Sa weebly.com na naglaan ng libreng serbisyo upang makapagdisenyo ang mananaliksik ng website na tulad nito.
- Kay Dr. Loida G. Marasigan na nagsilbing tanglaw habang isinasagawa ang pag-aaral na ito.
- Sa aking pamiya at mga kaibigan na inspirasyon ko sa pagpapagal upang maisakatuparan ang proyekto at pagaaral na ito.
- Sa Diyos na Jehova na Diyos ng karunungan, katuwiran at pag-ibig.
Mananaliksik/Awtor ng Website:
JANOAH JAMES PARINGIT